Thursday, November 21, 2013

I WITNESS “PARAISONG UHAW"


By: Kara David
            Kung kalusugan ang pag-uusapang, ang malinis at ligtas na tubig ang kailangan ng mga mamamayan. Bagamat halos lahat ng mga sambahayan sa Metro Manila at iba pang karatig na Urban Areas sa Luzon, iilan naman sa ating mga kapwa Pilipino sa mga kanayunan ang kulang, o kung hindi naman, ay talagang walang mapagkunan ng maayos  na tubig. Ang resulta, malaking kaso ng mga nagkakasakit na nauugnay sa paggamit ng maduming tubig.
            Sa tansiya ng Department of Health (DOH), higit na malaki ang naitatalang sakit na diarrhea sa mga kanayunan kumpara sa mga lugar sa Metro Manila dahil na umano sa hindi  naaabot ng supply ng tubig.
 Mahigit 85 porsyento ng mga naninirahan sa kanayunan sa Pilipinas ang walang sapat na suplay ng malinis na tubig, ayon kay Senador Ramon “Bong" Revilla Jr.

“Sumasaklaw ito sa 85 porsyento ng mga residente sa kanayunan ang wala pang kaukulang access sa sapat na suplay ng malinis na inuming tubig na isang dahilan sa paglaganap ng mga water-borne diseases tulad ng typhoid fever, amoebiasis at diarrhea," ayon sa pahayag ng senador.

Sinabi nito na 763 bayan at lungsod sa bansa ang wala pang water district kaya iginiit ni Revilla na amyendahan ang Presidential Decree No. 198 o ang Provincial Water Utilities Act. 
“Five hundred ninety five (595) water districts that have been formed covering seven hundred thirty seven (737) cities and towns throughout the country provide potable drinking water to some 13.3 million Filipinos," paliwanag ng senador. 

“Through an improved water utility system, economic growth in a community speeds up, safeguards public health, and protects the well-being of the citizenry," idinagdag niya.

Batay umano sa ulat ng United Nations Development Programme (UNDP), ang global development network ng United Nations, lumitaw na mahigit 10 milyong Filipino ang walang paraan upang makakuha ng malinis na inuming tubig, habang mahigt 21 milyon naman ang kulang sa sanitasyon. 

Batay sa UNDP report, karamihan sa napagkakaitan ng malinis na tubig at kulang sa sanitasyon ay mga nakatira sa iskuwater at mga mahihirap na naninirahan sa rural areas.

Tinukoy sa pag-aaral na kritikal ang kalidad ng tubig sa mga matataong lugar gaya ng Metro Manila, Central Luzon, Southern Tagalog, at Central Visayas. 

“Nahaharap na ang bansa sa problema sa food security. Ang malala pa rito hindi pa tayo makapagbigay ng malinis na inuming tubig. Nakakadismayang marami pa rin sa ating mga kababayan ang wala pa ring direct access sa malinis na inuming tubig gayong ang Pilipinas ay bansang mayaman sa tubig," puna ni Revilla. 

Hiniling ni Revilla sa mga kasamahan sa Senado na aprubahan ang Senate Bill 2486 para maitaas ang capital ng LWUA sa P25 bilyon mula sa kasalukuyang P2.5 bilyon upang mapalawak ang benepisyo sa maayos na potable water system. Ang LWUA ay isang specialized lending institution na may mandato na itaguyod at tingnan ang pagpapaunlad ng provincial waterworks systems sa bansa.

BUOD NG KWENTO:
            Ang pamilya ni Moymoy, Pamilya Salafar, ay isa lamang sa libu-libong pamilyang naninirahan sa Balut, Masbate na walang sapat ng suuplay ng tubig. Ang karamihan, humuhukay ng mga balon. Hindi alintana ang maaaring masamang idulot sa kalusugan ng paggamit ng tubig na nagmumula dito.

            Sinamahan ni Kara David si Moymoy kung saan sila nag-iigib ng balde-balde at timba-timbang tubig. Ang problema, sa kabilang bundok pa ang balong kanilang pinagkukuhaan ng tubig. Upang hindi lubusang mapagod sa kilo-kilometrong lalakarin ay minabuti ni Moymoy na magdala ng Kalabaw na may dala-dalang pinagdugtong na pawid at mga kawayan. Magsisilbi itong patungan ng mga balde kapag napuno na ito. Pagod man sa kakalakad papuntang balon ay hindi ito inalintana ni Moymoy at walang sinayang na oras at agad na nag-igib. Ito ang gawain ni Moymoy sa pang-araw-araw at kung minsan, ay kasama ang umaga. Maaga pa lamang ay umaalis na ito ng tahanan upang mag-igib upang maaga ding makauwi at magamit ang tubig.
            Nang mapuno na ang lahat ng mga balde ay isinalansan na ito sa parang kariton na hila-hila ng kalabaw. Inakala kong tapos na ang paghihirap ng musmos na si Moymoy. Ngunit, mas malaking kalbaryo pala ang kaniyang kakaharapin. Dahil walang mga takip ang mga balde at mga timba, madalas na maraming tubig ang natatapon mula dito dahil sa mababato at lubak-lubank na mga daanan. Sa bawat patak ng nasasayang na tubig, ay mababakas sa mukha ng bata ang panghihinayang sa pinagpagurang tubig.

            Sa pananaliksik ni Kara David, hindi lang pala nag-isa ang pamilya ni Moymoy sa dumaranas ng kauhawaan sa tubig. Ayon sa tala ng Department of Interior and Local Government (DILG), sa 5540 pamilya sa Balut, Masbate, 175 lamang sa mga ito ang mgay sapat na mapagkukunan ng malinis na tubig.

            Ayon pa sa pamilya Salafar, sampung taon na silang hirap sa paghahagilap ng tubig na malinis. Ang mga naiigib ay ginagamit pangligo, panglaba, paghugas ng mga plato, at ang nakapanlulumong aking natuklasan, ginagamit din nila itong inumin. Ayon pa sakanila, sa mga panahong pila-pila ang nag-iigib ng tubig, malas mo kung mahuli ka. Dahil tiyak, ang masasalok mo, latak. Kung kaya’t nagkukumahog ang bawat pamilya na sumalok ng maaga sa mga balong upang higit na mas malinis na tubig ang makukuha.

            Ayon pa sa tanggapan ng Balut, Masbate, sampung libong piso ang nilalaan nila pambili ng loperamide at antibiotic kada buwan. Ang mga gamot na ito ay para sa sakit sa sikmura bunga ng pagkonsumo ng maduduming tubig.

ARAL:

            Isa sa mga aral na naidulot sa akin ng dokyumentaryong ito ay ang pagpapahalaga sa tubig. Habang ako ay madalas na nag-aaksaya sa paglalaro ng malinis na tubig, heto ang iba kong kapwa Pilipino ay hirap na hirap at halos ibuwis ang buhay makatikim lamang at mapawi ang uhaw ng lalamunan. Ika nga “Malalaman mo lamang ang halaga ng isang bagay kapag wala na ito.” At bilang isang mamamayang Pilipino, higit kong pangangalagaan ang mga bagay na nakukuha ko sa madaling paraan, ang MALINIS NA INUMING TUBIG.

2 comments: