Thursday, November 21, 2013

I WITNESS “SHOPLIFTER”


By: Kara David

            Isa na yata sa pinakamalaking problemang kinakaharap ng gobyerno ng Pilipinas ay ang talamak na pagnanakaw sa mga pampublikong at pribadong pamilihan. Ang tinuturong dahilan, KAHIRAPAN. Kung hindi lang daw mahirap ang buhay, hindi naman daw dadami ang mga SHOPLIFTER. Sa mga mayayamang banda, CANADA, bilang halimbawa, isa sa pinaglalaanan ng pondo ng kanilang gobyerno ay ang mga taong walang hanapbuhay. Dito, regular na kumakain ang mga “tambay”. Ang resulta, mababang naitatalang kaso ng krimen lalong-lalo na ang pagnanakaw. Kung kaya’t sa isyung napapanahon---ang PORK BARREL SCAM, perang sana ay napapakinabangan ng Pilipinas. Kung tutuusin hindi lamang ang talamak na pagnanakaw ang problema ng mga Pilipino. And seguridad ng buday, kalusugan, pag-aaral at iba pang bagay na mangangalaga sa karapatang ng mga Pilipino na mabuhay ng matiwasay. Ngunit, taliwas ito sa nangyayari. Ang mga karapatang nakasaad sa Article III ng Konstitusyon ng Pilipinas, mismong ang mga taong nakaupo sa gobyerno ang bumabali ng mga ito. Ang linyang “No person shall be deprived of life, liberty or property…” ng Section 1 ng Bill of Rights ay tila isang linya na walang buhay.

            Sa nakaraang paglabas ni Benhur Luy, ang tinuturing na Whistle Blower ng Pork Barrel Scam at isa sa mga umanoy katiwala ng utak ng scam na ito na si Janet Lim-Napoles, nagulantang ang buong bansa sa kaniyang mga isiniwalat at kung paano napupunta sa kamay ni Napoles ang bilyun-bilyong halaga n asana ay napapakinabangan lalong-lalo na ng mga mahihirap. Sa mga ipinakitang mga ebidensiya (bagamat hindi lahat ay inilabas agad), at ayon sa detalyadong pagsasalaysay ni Benhur Luy “Kapag nawithdraw na naming sa bangko. Iuuwi naming sa bahay ni Madam (Janet Napoles). Kapag hindi kasya sa kaiyang Vault, ilalagay naming sa kama/higaan niya at kapag hindi parin kasya, sa Bath tub sa Comfort Room ni Madam.”

            Agad tumimo sa aking isipan na habang ang mga Pilipino’y unti-unting namamatay sa gutom, ang mga taong pinagkakatiwalaan natin ay nakahiga at lumalangoy sap era. Literal na nananamnam ang lutong ng korapsyon.

            Sa panahong inakala kong tayo ang may hawak at kasalanan kung bakit hindi natin makamit ang katiwasayang sa buhay, heto pala silang mga nakaupo, hawak-hawak ang pera ng bayan at nilulustay.

BUOD NG KWENTO:
            Ang dokyumentaryong ito ay binubuo ng iba’t-ibang kwento ng iba’t-bang tao.
            Si Mang Jun, ay nakulong sa salang pagnanakaw ng isang lata ng Luncheon Meat. Si Mang Jun ay may katandaan na din, ang edad, hindi nabanggit. Ayon sakanya, hirap daw siyang humanap ng trabaho. Unang-una ay dahil sa katandaan at pangalawa, dahil wala siyang natapos. Nung mga panahon na iyon, bago niya naisipang magnakaw, ay wala talaga silang maihahain. Hirap na hirap sila kung paano mairaraos ang bawat araw. Naisipan niyang pumasok sa isang grocery at mag-shoplift. Ngunit sa kasamaang palad, nahuli siyang nagnanakaw at nakulong. Sa kabutihang palad naman, lumaya din si Mang Jun. “Kung may pera lang ako, hindi sana ako nagnakaw.” wika niya. Sa ngayon, ay ginagawa parin niya ang pagnanakaw sa mga pamilihan. Dalawang beses na siyang umanoy nakulong dahil sa gawaing ito sa mga groceries.

            Ayon sa mga shopping malls at mga shops sa loob nito, umaabot sa 90,000php ang nawawala sa kanila sa loob ng isang buwan dahil sa mga shoplifters. Kung susumahin, aabot sa 1,080,000 ang nawawalang halaga sakanila sa loob ng isang taon. Kung kaya’t marami na sa mga pamilihan ang nagdadagdag ng mga sekretong sekyu at mga CCTV Cameras upang higit na mapahigpit ang pagbabantay at mabawasan ang halaga ng perang nawawala sakanila.

            Ang susunod na kwento ay tungkol kay Nanay Perlie, isang propesyonal sa pagnanakaw. Oo, kahit ang pagnanakaw ay itinuturing na isang propesyon ayon sa kaniya. Ayon kay Nanay Perlie, kung kaya’t hindi siya nahuhuli ay dahil may “look-out” siya, si Aling Thess. Si Aling Thess ang nagsisilbing taga-bantay kung may sekyu o taong maaaring makakita sa ginagawa ng isa pal ang kaugnayan ng dalawa ay di malinaw at hindi nasabi. “Kahirapan ang nag-udyok sa amin upang gawin ito.” Wika ni Nanay Perlie. Isiniwalat din niya kung anu-anong mga produkto ang madalas niyang nakawin. “Madalas S-26, yung gatas na mamahalin. Candies para sa mga anak ko. Kapag meron na yan pati mga delata at mga tinapay, uuwi na ako.” –Nanay Perlie. Ang nakakagulat, labing-limang taon na itong propesyon ni Nanay Perlie at minana na mismo ng kaniyang mga anak. Ang mismong anak ni Nanay ang nagdetalye kung paano nila isinasagawa ang pagnanakaw at ang paraan kung bakit hindi sila nahuhuli. Dalawa lamang ang paraan nila sa pagnanakaw. Una, ang tinatawag nilang MDA. Sa paraang ito ay palda ang suot ila at iipitin ang anumang produkto sa mga hita at lalakad na hindi nahahalata ng sinuman ang inilagay sa ilalim ng palda. Pangalawa, ang STIR. Dito, makkipgsabayang sila sa dami ng mga mamimili upang hindi mapansin at doon kukuha ng pagkakataon upang manakaw ang mga kursunadang produkto.

            Sa panayam sakanila, Nanay Perlie at Aling Thess. Nabanggit nilang pati mga computer o mga bahagi nito ay ninanakaw nila ngunit iyon daw ang pinakamahirap sa lahat. May pagkakataon pang 12 na laptops ang nakulimbat ng grupo nila at nang mabenta ay tig 42,000 pesos silang lahat. “Minsan nagdu-Duty-free kami.” –Aling Thess. Si Aling Thess ay tatlong beses nang nakulong. “Hindi ba kayo natatakot makulong?” –Kara David. “Natatakot din minsan. Pero kailangan para mabuhay.” –Aling Thess.
            Ang mga tulad ni Aling Thess at Nanay Perlie ay ilan lang sa maraming shoplifters sa Pilipinas.

ARAL:

            Maaaring isa ako sa mga taong mapanghusga sa lipunang ito, ngunit aking napagtanto na ang kahirapan ang naguudyok upang gumawa ng mali ang mga kapwa ko Pilipino. Sa panahong inaaka kong tayo ang mali sa bawat desisyon sa buhay, ang gobyerno pala ang hadlang sa pangarap nating buhay na matiwasay. Ang mga tulad nila Mang Jun, Nanay Perlie, at Aling Thess ay ilan lamang sa mga sumasalamin sa tunay ng kalagayan ng ating bansa. Hindi nila ibig gumawa ng masama. Sa bawat ginagawa ay may mga dahilang nakakubli. Kung ang gobyerno ay tapat at totoo sa pinamumunuan, malamang, ang buhay natin ay sagana at puno ng pagmamahalan---susi sa kaunlarang hindi masolusyunan sa loob ng maraming panahon.